HINDI sinagot ni direk Mark Reyes ang tanong ng fans kung ang original Sanggres na sina Sunshine Dizon, Karylle, Diana Zubiri at Iza Calzado ang tinutukoy ng direktor sa latest post nitong, “#sanggreproductions first film venture is for #iflixphilippines #nowfilming.”

Iza, Diana, Sunshine, at Karylle copy

Nanghihinayang ang fans ng apat kung totoong sa iflix lang mapapanood ang pelikula ng original Sanggres at walang theatrical showing. Tama naman ang sentimyento ng fans na hindi nila mapapanood ang pelikula kung wala silang iflix.

Samantala, nagsu-shooting na ang apat, pero hindi pa isinasapubliko ng production team ang title ng movie dahil pa raw ito ang right time. Pati nga ang ibang cast sa movie, hindi pa rin sinasabi.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kung may mga nagtatanong at nagrereklamo na hindi nila mapapanood ang pelikula ng apat na Sanggre, mas marami ang excited at natutuwa. Magpapakabit na lang daw sila ng iflix para mapanood ang original Sanggres dahil ayaw nilang mahuli, na para sa kanila, ay big event ng fangirling moment nila.

Pero, bakit nga hindi puwedeng ipalabas sa wider audience ang pelikula ng apat na Sanggre? Hindi ba puwedeng makipag-joint venture sila sa Star Cinema o kaya ay sa Regal Entertainment para sila ang mag-distribute ng pelikula?

-Nitz Miralles