LIBREVILLE (AFP) – Isinugod sa ospital sa Saudi Arabia si Gabonese President Ali Bongo noong Miyerkules dahil sa sobrang pagod sa pagbiyahe niya sa Riyadh, sinabi ng kanyang opisina nitong Linggo.

Binisita siya ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman sa King Faisal hospital ng Riyadh kinagabihan, iniulat ng Saudi Press Agency.

Nasa kabisera ng Saudi ang 59-anyos na lider para sa Future Investment Initiative economic forum nang sumama ang kanyang pakiramdam, sinabi ni spokesman Ike Ngouoni.

‘’The doctors who assessed him said he is suffering from severe fatigue due to extremely high levels of activity in recent months,’’ aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Maayos na ang pakiramdam ngayon ni Bongo ngunit pinagpapahinga pa, ayon kay Ngouoni, kasabay ng panawagan na maging alerto sa ‘’fake news’’ kasunod ng mga maling balita na namatay ang president.