NAKABALIK na sa bansa mula sa bakasyon nila sa Japan sina Ruru Madrid at Bianca Umali dahil kahapon ay parehas na silang napanood Sunday Pinasaya. Parang hindi namin nasilayan si Miguel Tanfelix na sinabayan sina Ruru at Bianca sa pag-alis patungong Japan dahil sa Vietnam siya nagpunta.

Bianca at Ruru

Ang sitsit, patuloy ang pamba-bash kina Ruru at Bianca dahil nga namataan silang magkasama sa Japan. Wala naman silang kasalanan kung nagkakagustuhan silang dalawa. Sabi naman ng shippers nina Ruru at Bianca, walang inagaw si Ruru dahil break na sina Bianca at Miguel nang ligawan ni Ruru si Bianca.

At in fairness kina Ruru at Bianca, hindi nila disabled ang comment box sa latest post nila, kaya libre ang fans at bashers na makapag-comment sa kanila.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Sample ng bashing kay Ruru: “Matatag pa sana Biguel kundi ka nang-agaw. Magsama kayo ni Kyline (Alcantara) mas bagay kayo, maninira ng relasyon. Hanap ka ng sayo Boi, may karma na dadating sayo.”

Heto naman ang pamba-bash kay Bianca: “Hindi ka nakontento kay Miguel, ngayon kay Ruru naman” at “Hindi kayo bagay ni Ruru.”

May mga pa-hashtag pa ang bashers nina Ruru at Bianca para ipakitang hindi sila pabor sa RuBi (Ruru at Bianca) shippers. Para kay Bianca ang hashtag na #YourCareerIsGoinDown at #StayAwayFromRuru samanatalang ang hashtag naman para kay Ruru ay #LayuanMoSiBianca.”

Pero deadma lang sina Ruru at Bianca sa pag-iingay ng mga bashers sa kanilang social media account Hindi rin nila binibigyan ng chance ang bashers na makita kung gaano sila kasaya sa bakasyon nila sa Japan dahil hindi sila nagpo-post ng pictures nila na magkasama.

Anyways, panahon na siguro para pagtambalin ng GMA-7 sa teleserye sina Ruru at Bianca. Kaya lang, si Miguel pa rin ang makakapareha ni Bianca sa gagawing teleserye sa 2019.

-NITZ MIRALLES