SA mga batang gustung-gusto ang isa sa mga Kid’s Choice judge na si Xia Vigor, nasa Gateway Mall, Alimall, at Farmer’s Plaza Mall siya ngayong Linggo, Oktubre 28, para sa A Goosebumps Halloween.

Xia

Isa si Xia sa mga hurado sa costume contest ng mga bata hanggang 12 taong gulang, na inspired sa pelikulang Goosebumps 2: Haunted Halloween, mula sa Columbia Pictures. Mapapanood ang pelikula sa Gateway Mall Cineplex, Ali Mall Cineplex, at sa iba pang sinehan simula sa Oktubre 31, bisperas ng Undas.

Ang may pinakakatakot na costume ay magwawagi ng P5,000 at iba pang regalo mula sa Araneta Group of Companies.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Samantala, sa Nobyembre 3 at 4 na ang grand finals ng Kid’s Choice, na papalitan ng 8th Season ng Pinoy Big Brother.

Sadyang 10 weeks lang pala ang Kid’s Choice, ayon sa nakausap naming taga-Dos.

-Reggee Bonoan