KABUUANG 500 kabataan – sasabak sa tatlong dibisyon elementary, secondary at open – ang makikibahagi sa gaganaping Indigenous Peoples Games sa Oktubre 26-29 sa Kapangan, Province sa Benguet.

PORMAL na ilalarga ang Indigenous Peoples Games sa Benguet sa Oktubre 26-28 matapos ang final coordination meeting ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangangasiwa ni Commissioner Charles Raymond Maxey, na kinatawan nina Executive Assistant Karlo Paolo Pates at Senior Sports Officer Charlie Esquivel at mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Benguet at Sangguniang Panlalawigan. Ipaparada ang mga tradisyunal na sports na pakwel, sidling aparador, sidling bado, patintero, tiklaw, prisoner’s base, palsi-it, kadang-kadang, ginuyudan, kayabang, pangke, sanggol, pallot, dad-an di pato, songka, at dama.

Ipinahatid ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond A. Maxey, oversight commissioner sa nasabing proyekto, sa lokal na pamahalaan at sa mga lider ng katutubong tribo ang pakikiisa sa naturang programa na naglalayong na parangalan ang Indigenous Peoples at panatilihin buhay ang kanilang mga tradisyon at mga laro.

“Everything’s set for our fourth leg. The games will be held in the Municipality of Kapangan as requested by Benguet Governor Crescencio Pacalso,”pahayag ni Maxey.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Masinsin ang paghahanda sa ikaapat na yugto ng IP Games, tampok ang serye ng coordination meeting kasama ang mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Bengue, Kapangan Sangguniang Bayan (SB) members, Sangguniang Kabataan (SK), at Local Tribal Council para masiguro ang maayos na pagsasagaa ng programa.

Kabuung 16 katutubong laro ang nakatakdang paglabanan sa nasabing kompetisyon ayon kay Benguet Provincial Sports Coordinator Dean Mark Monang, kabilang ang pakwel, sidking aparador, sidking bado, patintero, tiklaw, palsi-it, kadang-kadang, ginuyudan, kayabang, pangke, sanggol, pallot, dad-an di pato, sungka, at dama.

“We’re very excited to witness the culture of the peoples from Benguet,” ayon Maxey.

Inaaahan ang pagdalo ni Benguet Gov. Crecencio Pacalso kasama si Mayor Manny Fermin sa opening ceremony.

Pangungunahan ng mga elders ng Kapangan Tribal Council, ang panimulang programa para sa opening ng palaro sa Sabado.

Kasabay nito ay isasagawa ang IP Games Photo exhibit contest

-ANNIE ABAD