11 three-pointer, naisalpak ni Curry laban sa Wizards; LA Lakers, nakapanalo na rin

OAKLAND, California (AP) — Mistulang nagsagawa ng ‘shooting clinic’ si Stephen Curry, bumutas ng 11 three-pointer sa loob ng tatlong quarters tungo sa 51 puntos sa impresibong 144-122 panalo ng Golden State Warriors kontra Washington Wizards nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

AwitanCURRY: Hataw sa 51 puntos. (AP)

AwitanCURRY: Hataw sa 51 puntos. (AP)

Hataw din si Kevin Durant sa nakubrang 30 puntos, walong rebounds at pitong assists, habang kumana si Draymond Green ng 12 sa 37 assists ng Warriors. Sa panalo kontra Phoenix Suns nitong Lunes (Martes sa Manila), kumana ang Golden States ng 35 assists.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, ang gabi ay nakasentro kay Curry – ang two-time MVP at five-time All-Stars – na nagsalpak ng ika-11 three points sa kalagitnaan ng third period, sapat para dumagundong ang hiyawan na ‘MVP, MVP, MVP’ sa Oracle Arena.

Naisalansan ni Curry ang 31 puntos sa first half at tumapos ng 51 puntos – ikaaanim na career 50-point game at tumipa ng 10 o higit pa sa three-point area sa ika-10 pagkakataon.

Nagbalik aksiyon si Bradley Beal matapos magtamo ng mild injury at tumapos na may 23 puntos, habang nagdagdag si Kelly Oubre Jr. ng 17 puntos mula sa bench ng Washington.

LAKERS 131, SUNS 113

Sa Phoenix, naputol ng Los Angeles Lakers at ni LeBron James ang three-game losing skid nang palubugin ang Suns.

Kumamada si James ng 19 puntos mula sa 7-of-16 shooting1 at may anim na assists, habang nag-ambag si JaVale McGee ng 20 puntos. Nag-ambag si Kyle Kuzma ng 17, hataw si Josh Hart ng 15puntos at tumipa si Lonzo Ball ng 12 puntos..

Natikman naman ng Suns ang ikatlong sunod na kabiguan matapos magwagi sa Dallas Mavericks sa opening night.

KINGS 97, GRIZZLIES 92

Sa Sacramento, kumana si De’Aaron Fox ng 21 puntos, tampok ang one-handed dunk sa krusyal na sandali para sandigan ang Kings kontra Memphis Grizzlies 97-92.

Nag-ambag si Buddy Hield ng 23 puntos, at tumipa sina Willie Cauley-Stein ng 15 puntos at 10 rebounds, at nakopo ni Nemanja Bjelica ang 11 puntos at 11 boards para sa Kings.

Kumana si Fox ng 10 puntso sa third quarter para mahabol ng Sacramento ang walong puntos na abante ng karibal.

BUCKS 123, SIXERS 108

Sa Milwaukee, humakot si Giannis Antetokounmpo ng 32 puntos, 18 rebounds at 10 assists sa panalo ng Bucks sa Philadelphia 76ers.

Walang gurlis ang Bucks sa 4-0 – kauna-unahan ng prangkisa mula noong 2001-02 seaso – habang nag-ambag sina Khris Middleton ng 25 puntos at Brook Lopez na may 21 puntos.

Nanguna si Joel Embiid sa Philadelphia na may 30 puntos. Galing ang Sixers sa mapait na 133-132 overtime loss sa Detroit Pistons. Kumana si JJ Redick ng 19 puntos para sa 76ers (2-3).