LOS ANGELES (AP) — Sinuspinde at pinagmulta ng NBA nitong Linggo (Lunes sa Manila) sina Lakers teammates Rajon Rondo at Brandon Ingram, gayundin All-Star guard Chris Paul ng Houston Rockets bunsod nang pagkakasangkot sa rambulan sa larong pinagwagihan ng Rockets, 124-115, nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Staples Center.

Hindi maglalaro si Ingram sa susunod na apat na laro ng Lakers, habang si Rondo ay pinatawan ng dalawang larong suspensyon. May tatlong larong mababakante si Paul at angmasakit siya ang pinatawan ng may pinakamalaking multa na US$491,782. Si Paul ang kasalukuyang pangulo ng NBA Players’ Association.

Pinagmulta naman si Rondo ng US$186,207, habang si Ingram ay pinagbayad ng US$158,816.

Ikinadismaya ni Houston coach Mike D’Antoni ang mabigat na parusa na ipinataw kay Paul.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It’s just not equitable,” aniya. “If you wanted to suspend him one (game) I get it, just to make a statement. Then you’re talking monetarily, he’s paying three times more than the other guys are paying for missing games? That doesn’t seem to be right.”

Sinimulan na ni Paul ang suspension sa laro ng Houston kontra LA Clippers nitong Linggo (Lunes sa Manila), habang sisimulan nina Rondo at Ingram ang suspensiyon laban sa San Antonio Spurs sa Lunes (Martes sa Manila).

Dinepesahan ni Eric Gordon ang naging aksyon ni Paul kay Rondo.

“If somebody is attacking you, you got to somewhat protect yourself,” aniya.

“We don’t want this to happen again,” pahayag ni NBA executive vice president Kiki VanDeWeghe.

“(We are) sending a clear message that this is not acceptable behavior and you cannot do this. So in this particular instance, the multiple-game suspensions are pretty severe both to their teams and financially to the players,” aniya.