PINANGUNAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagbibigay nang parangal sa mga atleta na nagbigay ng dangal at karangalan sa bansa sa katatapos na 3rd Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

GAWILAN: Winningest para athlete

GAWILAN: Winningest para athlete

Naitala ng Para athletes ang pinakamatikas na kampanya sa quadrennial meet sa nahakot na 10 ginto, walong silver at 11 bronze medal.

Nag-uwi ng pinakamaraming medalya ang 28-anyos na si Ernie Gawilan sa napagwagihang limang medalya, kabilang ang tatlong ginto sa swimming event.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang din sa mga nag uwi ng ginto sina Kim Ian Chief sa bowling, Arthus Bucay sa cycling at FIDE master Xander Severino sa chess.

Nagpaabot ng kanyang pagbati si PSC chief William Ramirez sa pamagitan ng kanyang mga commissioners na sina Charles Maxey, Celia Kiram, Mon Fernandez at Arnold Agustin na siyang naging oversight commissioner ng PSC sa nasabing kompetisyon.

“I would like to congratulate all our para athletes who gave us another honor by bringing home the medals. You guys made the Filipinos proud once again. Mabuhay kayong lahat!,” ayon sa mensahe ng PSC chief.

Nakatakdang tumanggap ng insentibo ang mga nasabing medalists at inaasahang pangungunahan ng Pangulong Duterte ang pagbibigay ng red carpet sa Malacanang sa Nobyembre 6.

-Annie Abad