ISTANBUL (AP) – Hinalughog ng Turkish crime-scene investigators ang bahay ng Saudi consul general sa Istanbul nitong Miyerkules bunsod ng paglaho ng Saudi writer na si Jamal Khashoggi, at paglathala ng pro-government newspaper ng nakapapangilabot na salaysay ng diumano’y pagpatay sa mamamahayag.
Pinasok ng forensics teams ang bahay ng consul, may 2 kilometro ang layo mula sa consulate kung saan naghalo si Khashoggi noong Oktubre 2 habang kumukuha ng mga papeles para makapagpakasal. Ito ang pangalawa sa ganitong uri ng hindi pangkaraniwang paghahalughog sa lugar na sa ilalim ng international law ay itnuturing na sovereign territory ng Saudi kasunod ng ilang oras na pagbisita ng mga imbestigador sa consulate nitong unang bahagi ng linggo.
Sa salaysay na inilathala sa pahayagang Yeni Safak, sinasabing pinutol ng mga opisyal ng Saudi ang mga daliri ni Khashoggi at pinugutan siya sa consulate habang naghihintay sa labas ang kanyang fiancée.
Iniulat ng pribadong DHA news agency ng Turkey na nais ng mga pulis na inspeksiyunin ang “water well” sa hardin ng tirahan.
Muli ring pinasok ng mga imbestigador ang consulate nitong Miyerkules ng gabi.