SYDNEY (AFP) – Nagbabala ang regional finance ministers na ang iringan sa kalakalan ng dalawang pinakamalalaking ekonomiya sa mundo – ang China at ang United States – ay inilalagay sa panganib ang buong Asia-Pacific.

Sa isang pahayag, sinabi ng finance ministers na nagpupulong sa Port Moresby na tumaas ang mga panganib sa global economy dahil sa ‘’heightened trade and geopolitical tensions’’, isang pahaging sa trade dispute ng Washington at Beijing.

Matapos ang finance minister’s meeting nitong Miyerkules, nagbabala ang host at Papua New Guinea treasurer Charles Abel na ‘’protectionist trends stemming from trade tensions and the buildup of debt are troubling and a real threat to development and prosperity right around the APEC region’’.

Magtitipon ang APEC leaders sa Papua New Guinea sa susunod na buwan para sikaping maayos ang iringan.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture