PAGKATAPOS gawin ang pelikulang First Love, ganado na naman si Aga Muhlach na magtrabaho.

Aga Muhlach

Sa panayam ng Push sa aktor, naitanong sa kanya kung willing ba uli siyang magkaroon ng sitcom? Hindi lingid kay Aga na tumatagal sa ere ang isang sitcom lalo na kung mataas ang ratings nito. Sa katunayan, halos isang dekadang umere sa ABS-CBN ang sitcom niyang Oki Doki Doc.

“Sitcom, yes of course! If I would be offered one, I’d be the happiest. Kung sinabi sa akin na, ‘Aga, you’d start taping tomorrow’, man, I’m here tonight. I’m sleeping tonight.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Panawagan ni Aga sa ABS-CBN: “ABS, you know, if you want to do another sitcom, why not?”

Paano kaya kung isang soap opera ang i-offer kay Aga?

“Parang ang hirap gumawa, (pero) ‘pagka si Bea (Alonzo), okay. Oo, gagawa ako ng soap with Bea. Hindi ako gumagawa ng soap ha,” sabi ni Aga.

Kung sitcom daw sana with Bea rin, sabi ni Aga.

Natanong din si Aga kung okay lang sa kanya na gumawa ng pelikula ang asawa, ang dating beauty queen na si Charlene Gonzalez.

“Okay naman siya mag-work, pero parang hindi naman siya gumagawa ng pelikula,” ani Aga.

Kung magbabalik-telebisyon at hosting ang gagawin ni Charlene ay wala ring problema kay Aga.

“Of course. Kasi akala ng tao I made her stop working already. Hindi naman. Nagkataon lang na we’re just living life. Me and my wife would be happy to work,”paglilinaw ni Aga.

-ADOR V. SALUTA