TINIYAK ng Philippine Sports Commission (PSC) na hindi maiiwan ang sports sa pagbangon ng Marawi City.

TUBIG MUNA! Binibigyan ng instruksyon ng coach ang batang fighter na nakikibahagi sa Philippine Sports Commission-Monthly Amateur Boxing competition sa Cebu City Sports Center Boxing Gym. Target ng PSC na makatuklas nang mga bagong talento na posibleng maisama sa national training pool sa hinaharap. (PSC PHOTO)

TUBIG MUNA! Binibigyan ng instruksyon ng coach ang batang fighter na nakikibahagi sa Philippine Sports Commission-Monthly Amateur Boxing competition sa Cebu City Sports Center Boxing Gym. Target ng PSC na makatuklas nang mga bagong talento na posibleng maisama sa national training pool sa hinaharap. (PSC PHOTO)

Ipinahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na naglaan nang suportang pinansyal at teknikal ang ahensiya para sa pagpapasaayos ng  Mindanao State University-Marawi City Track Oval.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Nilagdaan ng PSC at MSU ang Memorandum of Agreement (MOA) kamakailan para isulong ang naturang programa.

Ayon kay Ramirez, personal na instruction ni Pangulong Duterte na kalingain ang mga kabataan na naging biktima ng karahasan sa Marawi City at ang sports ang isang mabisang sandata para maiangat ang abang kalagayan ng komunidad.

“The idea of partnering with MSU came after President Rodrigo Duterte’s formation of Task Force Bangon Marawi, which directs the PSC, and other government agencies to provide full support for the rehabilitation of the city,” pahayag ni Ramirez. “Helping in the reconstruction of MSU Track Oval is one of the many ways the Commission is committing itself to Marawi City,” aniya.

Laking pasasalamat naman ang inihatid ni MSU President Dr. Habib Macaayong sa PSC para sa pagpapatupad ng nasabing proyekto. Ayon kay Macaayong, ang rehabilitasyon ng MSU Track oval ay magbubukas ng daan para sa mga batang atleta na ituon ang kaisipan sa sports. “Will be an open venue for the citizens of Marawi City, Mindanaoan athletes in the grassroots level and any athlete who needs it,” ayon kay Macaayong.

Bukod sa pagpapasaayos ng nasabing track oval, gagawin na rin ang MSU bilang  Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Regional Training Center, na siyang magpapalawig ng pagsasanay ng mga batang atleta sa buong Mindanao. Magtutulungan ang PSC, and Philippine Sports Institute (PSI) at MSU upang tulungan ang mga batang atleta at sa pagpapalawig na rin ng grassroots program para sa pagtuklas ng bagong talento.

-Annie Abad