PALAISIPAN sa followers ni Ai-Ai delas Alas ang post nito sa Instagram (IG) dahil walang diretsong tinumbok ang aktres.

Ai Ai at Gerald

“As I am currently out of the country and upon my return, will be attending to personal matters, I will not be able to attend to my duties as talent manager of Ex Battalion. As such, you may contact Mr. James Samonte should you wish you engage them for any of your events. Thank you.”

Tama kaya ang hula ng ibang netizens na sumailalim sa In Vitro Fertilization (IVF) si Ai-Ai para magbuntis at magkaanak sila ng asawang si Gerald Sibayan? May nabasa rin kaming pagdating ni Ai-Ai mula sa Amerika (baka nakabalik na siya), ay may iaanunsiyo raw siya at marami ang maaapektuhan sa announcement.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kung totoong nagpa-IVF si Ai-Ai, hindi naman siguro makaaapekto ang pagbubuntis niya sa kanyang trabaho. Saka, hindi mabigat ang load ni Ai-Ai ngayon dahil Sunday Pinasaya pa lang ang regular show niya sa GMA-7 at may ginagawang pelikula sa Viva Films kasama ang Ex-Battalion.

-NITZ MIRALLES