BAIKONUR COSMODROME (Reuters) – Ligtas ang isang Russian cosmonaut at isang U.S. astronaut nitong Huwebes matapospumalya ang isang Soyuz rocket na patungo sa International Space Station sa kalawakan dalawang minuto matapos lumipad mula sa Kazakhstan, na nagbunsod ng emergency landing.

Ligtas na lumapag ang two-man crew nina Russian cosmonaut Alexei Ovchinin at American astronaut Nick Hague, sa Kazakh desert habang kumaripas ang rescue crews na marating sila, ayon sa U.S. space agency NASA at Russia’s space agency Roscosmos.

Nangyari ang insidente nang maghiwalay ang second stages ng Russian booster rocket matapos ilunsad mula sa Soviet-era cosmodrome ng Baikonur, Kazakhstan.

Humiwalay ang Soyuz capsule na nagdadala kina Ovchinin at Hague mula sa pumapalyang Russian rocket at bumulusok pababa ng 50 km, nakatulong ang parachutes para pabagalin ang bilis nito, sinabi ng NASA. Bumagsak sa lupa ang capsule matapos ang 34-minutong steep ballistic descent, ayon sa NASA.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa mga litratong inilabas ng Roscosmos matapos ang rescue, makikita ang dalawang lalaki na nakangiti at nagpapahinga sa sofa sa isang bayan malapit sa kanilang landing site habang sumasailalim sa medical tests.