World-class training center, kailangan ng atletang Pinoy - Ramirez

KINATIGAN ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagsasabataspara sa pagpapatayo ng world-class sports training center sa bansa na aniya’y pinakamabisang paraan upang makapaghubog ng mahusay na atleta.

Abot-kamay na ang katuparan nito matapos makapasa sa Senado ang Senate Bill No. 1716 na nagsasaad ng kautusan ng pagpapatayo ng sports complex na maaring gamitin ng mga national athletes bilang kanilang training center.

Lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay upang maisabatas na ang panukalang ito na tatawaging Philippine Amatuer Sports Training Center Act na naglalayong magpatayo ng mga sports facilities kasama na ang sports science and research.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I would like to thank our lawmakers who believe in the importance of putting up a new training center to serve our national athletes,” ani PSC chief Ramirez. “Makakatulong ito ng malaki para sa grassroots program natin to scientifically identify and develop more athletes for the national team in the future,” aniya.

May kabuuang P3 bilyong ang budget para sa nasabing sports training complex.

Isinulong ang naturang Senate Bill nina Senador Sonny Angara katuwang sina Senators Joel Villanueva, Bam Aquino at ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

-Annie Abad