MAKIKITA sa aura at ramdam sa pakikipag-usap ang maligayang mundo ngayon ni Snooky Serna.

Snooky copy

Limang taon na siyang nakaka-recover mula sa chronic manic depression at nabalanse na niya ang takbo ng kanyang buhay. Maayos ang takbo ng career, lalong maayos ang buhay nila ng kanyang dalawang anak na dalaga, 24 at 21 anyos na ngayon, at happy ang love life.

Apat na taon na ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na bagamat ibinigay sa amin ang pangalan, nakiusap siya na huwag na lang naming isusulat.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Napakalayo ng kasalukuyang buhay na ito kumpara sa extreme poverty nilang mag-iina noong 2006, bago siya nagsimulang magpagamot sa psychiatrist.

“Naging squatter kami,” sinserong kuwento ni Snooky sa aming intimate interview sa media launch ng Pamilya Roces, ang bagong drama series ng GMA-7. “Awang-awa ako sa mga anak ko, pero bumilib ako sa kanila, naunawaan nila noon pa man ang nangyayari sa amin, kung bakit dumating kami sa puntong iyon.”

Isa sa mga pinakasikat at bankable na young actress si Snooky noong 80s, kumita ng milyun-milyon, naging rich and famous, pero humantong sa pakikitira nang libre sa bakanteng barung-barong ng kapitbahay, naging squatter nga kasi walang pang-upa, walang trabaho, walang kuryente, at natutong sumakay sa tricycle, dyip at taxi.

Naging insecure at intimidated siya ng mga kasama sa trabaho, at nagkaroon ng matinding takot na humarap sa mga tao. “’Yun ‘yong panahon na hindi ako sumisipot sa mga shootings.”

Natawa s i Snooky nang s a b i h i n ko na iyon din ang panahon na naging harsh kaming entertainment writers sa kanya. “Pero wala naman akong sama ng loob kaninuman sa inyo,” sabi niya. “Totoo rin naman kasi ang mga observation at sinusulat ninyo.

Kung bakit naman kasi late ko nang nalaman na mental illness pala ang problema ko.”

Maaaring napulot niya sa maagang pagsabak sa trabaho? Apat na taong gulang siya nang mag-umpisang mag-artista. O sa isang traumatic experience sa isang co-actor noong 14 years old siya? Hindi na namin itinanong.

Ang importante, limang taon nang maayos ang buhay nilang mag-iina. Pareho nang career girls ang kanyang dalawang dalaga na hangga’t maaari ay hindi niya ipinapagalaw ang suweldo.

“Kanila ‘yun. Hangga’t may trabaho ako, sagot ko ang lahat ng pangangailangan namin,” masayang kuwento ni Snooky. Labis-labis ang pasasalamat niya sa GMA Drama Group executive na pinanumunuan ni Ms. Lilibeth Rasonable.

Ayon sa aktres, limang taon na siyang inaalalayan at pinagtitiwalaang bigyan ng trabaho ng GMA Network.

Sa Pamilya Roces na ipapalabas na sa GMA Telebabad sa Lunes, big support ang character niya bilang si Camilla Austria, kapatid ng matriarch na si Natalia Austria-Roces na ginagampanan naman ni Gloria Diaz.

M a y b i g t w i s t a n g c h a r a c t e r n i C a m i l l a , a y o n s a s p y n a m i n . Star-studded ang Pamilya Roces na hindi mabigat ang pagkakadirihe ni Joel Lamangan kundi mas nakakatawa o bitter-sweet.

-DINDO M. BALARES