SINGAPORE (Reuters) – Tumaas ang presyo ng langis kahapon, habang nakatuon ang traders sa sanctions ng U.S. laban sa crude exports ng Iran na nakatakdang sisimulan sa susunod na buwan para higpitan ang pandaigdigang merkado.
Ang international benchmark Brent crude oil futures ay nasa $84.98 kada bariles dakong 0247 GMT, tumaas ng 40 sentimos, o 0.5 porsiyento mula sa huling pagsara nito.
Tumaas naman ang U.S. West Texas Intermediate (WTI) crude futures ng 50 sentimos, o 0.7 porsiyento, sa $74.83 kada bariles.
“Crude oil prices drifted lower (on Thursday) on combination of rising oil production in Saudi Arabia and Russia and a build-up of inventories in the U.S.. That said, prices remained resilient as supply worries persist amid looming Iranian sanctions,” sinabi ng ANZ bank kahapon.