Pumalo sa 8,752 indibiduwal ang kukuha ng 2018 bar examinations, ayon sa Office of the Bar Confidant (OBC) ng Korte Suprema.

Ito na ang pinakamaraming aspiring lawyers na kukuha ng bar exams simula 2000, at mas mataas sa 7,227 examinees noong 2017.

Isasagawa ang 2018 bar exams sa apat na magkakasunod na Linggo ng Nobyembre, o sa Nobyembre 4, 11, 18, at 15 sa University of Santo Tomas (UST).

Nagsimula na ngayong linggo ang pagbibigay ng bar examinations permit, na maaaring kuhanin simula 8:00 ng umaga hanggang 6:30 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes; at 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon tuwing Sabado at Linggo.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Kailangan lang magdala ng acknowledgement receipt at dalawang valid ID.

-Beth Camia