CEBU CITY – Salvage ang lumutang na anggulo sa pagkakadiskubre sa bangkay ng limang katao, na tadtad ng tama ng bala, sa bulubunduking Barangay Malubog sa Cebu City—at mga pulis ang itinuturong suspek ng isa sa dalawang nakaligtas sa insidente, kahapon.

Habang isinusulat ang balitang ito, isa pa lang sa limang bangkay ang kinilala ng mga awtoridad na si Christopher Tangag.

Tatlo sa mga biktima ay natagpuan sa loob ng Nissan Urvan (GFF-192), kung saan natagpuan din ang ilang pakete ng hinihinalang shabu.

Nasa labas naman ng van ang bangkay ng dalawa pang lalaki, nakasalampak malapit sa dalawang motorsiklo, habang nagkalat sa lugar ang mga basyong bala ng mga hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Lumutang ang anggulong salvage sa insidente makaraang lumantad si Antonio Belande, 35, habal-habal driver, at sabihing kasama niya ang limang biktima bago umano pinatay ang mga ito.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Belande, na sinundo sila sa Bgy. Banawa, Cebu City at dinala sa Malubog. Aniya, piniringan at iginapos sila ng mga suspek habang nasa loob ng van.

May hinala si Belande na mga pulis ang dumukot at naggapos sa kanila, dahil nagbabanggit umano ang mga suspek ng mga pangalangan ng ilang opisyal ng pulisya habang nasa loob sila ng van.

Ayon kay Belande, dakong 3:00 ng umaga nang dumating sila sa Malubog at pinaulanan na sila ng bala, pero nagawa umano niyang makalabas sa van at kumaripas ng takbo papatakas.

Pasado 6:00 ng umaga naman nang histerikal na lumabas mula sa talahiban si Charmaine Poran, 35, habang iniinspeksiyon ng mga pulis ang lugar.

Kalaunan, dinala sin Poran sa Malubog Barangay Hall, kung sana siya hinarap ni Chief Supt. Debold Sinas, hepe ng Police Regional Office (PRO)-7.

May tama ng bala sa kanang binti si Belande, habang nagtamo naman ng mga galos at kalmot sa mga binti at braso si Poran, at kapwa dinala sa ospital.

Itinanggi ni Sinas ang akusasyon ni Belande na mga pulis ang nasa likod ng insidente.

“These are spur-of-the-moment statements. I was able to listen to the interview and he never categorically said that their attackers were police,” sabi ni Sinas. “I met them because it is part of our duty to protect them. I did not force them to go with us. I told them we will not interfere or pressure them. My point was that, if they are going to make some statements, it has to be accurate.”Sinabi naman ni Senior Supt. Royina Garma, hepe ng Cebu City Police Office (CCPO), na iniimbestigahan pa ang insidente.

-CALVIN D. CORDOVA