Binalaan kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng Pilipinong bibiyahe palabas ng Pilipinas dahil sa bantang panganib ng kanilang pagbisita sa mga tinaguriang key tourist destinations sa ibang bansa.

Sa public advisory ng DFA kahapon, walang lugar na ligtas sa mga taong nagtatangkang magsamantala sa iba, at karaniwan nang nababawasan ang pag-iingat ng mga turista habang namamasyal.

Paalala ng DFA sa mga biyaherong Pilipino, dapat maging maingat sa petty crime incidents na karaniwang nangyayari tuwing peak tourist seasons.

Naglabas naman ng safety travel tips ang DFA upang makaiwas na mabiktima ng mga magnanakaw, mandurukot, snatcher, scammer at iba pang kriminal ,gayundin ang hindi maayos o abala sa biyahe.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Babala ng DFA, dapat maging masunurin sa mga lokal na batas at regulasyon; laging alerto sa matataong lugar, tulad ng sikat na tourist spots, airports, bus, train at metro stations, markets at shopping areas, large sports at concert venues.

Dapat din maging mapagmatyag kung sasakay sa pampublikong transportasyon, na madalas puntahan ng mga kriminal.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na nawalan o ninakawan ng passport na kaagad na kumuha ng police report at makipag-ugnayan sa malapit na Embahada at Konsulado ng Pilipinas para sa anumang ayuda.

-Bella Gamotea