NA-BASH si Nadine Lustre sa suot niya sa ABS-CBN Ball 2018. Hindi raw pang-formal event ang black dress na suot ng aktres. Nag-number one pa nga siya sa Worst Dressed List ng isang website, at marami ang nag-agree with negative comments pa.

Nadine at James copy

Pero panalo pa rin si Nadine sa Instagram post ng boyfriend na si James Reid: “Nadine was my star of the night. An absolute stunner”.

Sinagot naman ito ni Nadine ng “ily”, na ang ibig sabihin ay “I love you.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-agree kay James ang mga nag-like sa post niya na umabot sa 434, 136, habang nasa 8,440 naman ang nag-comment.

Hindi pa nagre-react si Nadine sa mga nega comments tungkol sa suot niya sa ABS-CBN Ball 2018. Hintayin na lang natin, at kilala naman natin siyang palaban kung rumesbak.

-NITZ MIRALLES