BOGOTA (AFP) – Nilagdaan nitong Lunes ng bagong halal na si Colombian President Ivan Duque ang kautusan na lansagin ang drug consumption kasunod ng ‘’alarming increase’’ sa domestic abuse ng substances.

Pahihintulutan ng kautusan ang pulisya na kumpiskahin maging ang minimum doses ng marijuana, na hindi krimen sa bansang ito sa South America simula 1994.

‘’We are signing a decree that gives tools to the police to remove drugs from the streets of our cities, and of course, to destroy any dose,’’ ani Duque nang lagdaan ang kautusan sa presidential palace.

Sa ilalim ng decree, maging ang legal na dami ng droga ay maaari na ngayong kumpiskahin sa police pat-downs sa mga pampublikong lugar, at ibabalik lamang ang droga kapag napatunayan ng user ang addiction.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Pinahihintukulan ng batas sa Colombia, ang pinakamalaking producer ng cocaine sa mundo, ang pag-iingat ng hanggang isang gramo ng cocaine para sa personal use, at hanggang 20 gramo ng marijuana.

Gayunman, ilegal ang pagbili at pagbebenta ng droga.