Tetestigo ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa pagpapatuloy ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 26 ng pagdinig sa kaso niyang drug trading sa susunod na taon.

Itinakda kahapon ni Presiding Judge Silvino Pampilo, Jr ang initial presentation of evidence ng depensa sa Enero 11, 2019. Tapos nang magpresinta ng mga saksi ang prosekusyon.

Binigyan ng hukom ng 45 araw ang prosekusyon na itama ang markings sa exhibits nito at maghain ng formal offer of evidence. Pagkatapos, kailangang magkomento ang depensa sa loob ng 30 araw.

Sinabi ng depensa na inaasahan nila na magtatakda ang prosekusyon ng recess para sa pagdinig ng iba pang nakabiting kaso ni Espinosa sa nasabing korte na possession of illegal drugs at firearms.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nitong Miyerkules, pinayagan ng Manila RTC Branch 20 si Espinosa na magsumite ng demurrer to evidence sa kanyang salaysay sa kasong illegal possession of gun at explosives, kaugnay sa shootout sa compound ng kanyang ama, ang yumaong si Mayor Rolando Espinosa, Sr., sa Albuera, Leyte noong Agosto 2016.

Binigyan ang depensa ng hanggang Oktubre 7, 2018 para maghain ng mosyon na ipinababasura ang kaso dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya laban sa akusado.

-Ria Fernandez at Beth Camia