SINIMULAN ng National University ang kampanyang ‘five-peat’ sa impresibong 4-1 panalo kontra Ateneo kahapon sa UAAP Season 81 badminton tournament sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Hataw sina MVPs Alvin Morada at Ross Lee Pedrosa para hilahin ang winning streak ng Bulldogs sa 36 ties.

Naisalba ni Morada, last season’s MVP, at Alem Palmares ang matikas na hamon nina Remo at Keoni Asuncion, 21-17, 27-25, sa first doubles.

Nadomina naman ni Pedrosa, dating MVP winner, ang laban kontra Fides Bagsbas, 21-7, 21-15, sa second singles.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ginapi naman Mike Minuluan si Carlo Remo, 21-14, 21-15, sa opening singles bago nagtambalan sina Minuluan at Dawn Cuyno kontra Sean Chan at Sito Fernandez, 21-11, 21-13 sa second doubles.

Tanging si Asuncion ang nakapanalo sa Blue Eagles nang gapiin si Thirdy Bacalso, 21-19, 21-18, sa third singles.

Sa iba pang ties, binokya ng De La Salle ang University of the East, 5-0, para sa maagang pangungunam, habang naungusan ng Adamson University ang University of Santo Tomas, 3-2.

Pinangunahan ni Andrew Pineda ang Green Shuttlers sa matika sna panalo bilang pambawi sa matamlay na 4-1 kabiguan sa UST sa opening day.