THE long wait is finally over sa aktres na si Sunshine Cruz. Napawalang bisa o annulled na kasi ng korte ang kasal nila ng aktor na si Cesar Montano.

Sunshine copy

Tumagal ng 13 taon ang pagsasama nila ng premyadong aktor at nagkaroon sila ng tatlong anak na babae. Naging masalimuot ang kanilang paghihiwalay, lalo na ang isyu tungkol sa child custody at financial support.

Pero may bago nang inspirasyon ngayon si Sunshine sa katauhan ni Macky Mathay at ipinagdiwang na nila ang kanilang second year anniversary bilang magkasintahan, double selebrasyon, ika nga.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Samantala, marami ang nakapuna sa singsing na suot ni Sunshine na sa tingin nila ay parang engagement ring.

Itinanggi naman ng aktres ang haka-haka, “Hindi po ito engagement ring kundi eternitay ring,” paglilinaw niya.

Pahayag naman niya hinggil sa pagpapaksal, “we are not in a hurry. Ini-enjoy namin ang bawat sandali ng aming relasyon. Sinusuportahan din niya ako sa pagiging single parent.”

Napapanood ngayon si Sunshine sa bagong teleseryeng Kapag Nahati ang Puso ng GMA 7.

Remy Umerez