AFP – Sinabi ng scientists sa US nitong Miyerkules na nakatuklas sila ng paraan para mapigilan ang HIV sa mga pasyente ng ilang buwan gamit ang twin dose ng antibodies na maaaring magbago sa paraan ng paggamot sa sakit.

Maraming tao ang tumatanggap ng antiretroviral drugs para pabagalin ang HIV, ngunit kailangan nilang sumunod sa istriktong medical regimes para manatiliing malusog. Ito ay karaniwang pag-inom ng pills araw-araw habang sila ay nabubuhay.

Ngayon sinabi ng mga mananaliksik na ang kombinasyon ng dalawan protina para labanan ang mga epekto ng HIV ay kayang pigilin ang virus sa pasyente sa loob ng 30 linggo.

“A safe, reliable, antibody-based treatment regimen would open new possibilities for people living with HIV,” sinabi ni Anthony Fauci, director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases in the US state of Maryland.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Inilathala ang twin studies nitong Miyerkules sa journals na Nature at Nature Medicine.