Tatakbo bilang kinatawan sa Kongreso ng unang distrito ng Makati City si dating Vice President Jejomar Binay, kinumpirma kahapon ng anak niyang si incumbent Makati City Mayor Abigail Binay. 

Kasabay ng flag-raising ceremony sa Makati City Hall, ibinalita ng alkalde na kakandidatong muli ang kanyang ama sa ilalim ng kanyang ticket, habang reelection naman ang target niya.

“Isang napakalaking karangalan na tumayo sa isang entablado kasama ang tao na nagturo at nagpakita sa akin ng tunay na katapatan sa serbisyo, ang mahal ng Makati, ang aking ama na si Jojo Binay!”

Kasunod nito kinumpirma rin ni Joey Salgado, tagapagsalita ng dating bise presidente, ang inihayag ng alkalde.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“I am confirming that former VP Binay will run as Representative for the First District under the ticket of Mayor Abigail,” ani Salgado.

Unang sinabi ni Mayor Binay na naniniwala siyang nagretiro na ang kanyang ama sa pulitika matapos itong matalo sa 2016 presidential election.

Matatandaang nagsilbing alkalde ng Makati ang dating vice president simula 1986 hanggang 1998, at 2001 hanggang 2010.

-Jel Santos