TUMULAK patungong Nakhon Rachasima, sa Thailand kahapon ang koponan ng Pilipinas upang sumabak sa 33rd King’s Cup World Sepak Takraw Championships.

Target ng Pinoy sepak na maidepensa ang titulo sa men’s doubles, bukod pa sa pagsabak sa hoop, regu quadrant at regu team.

“We wish the Philippine sepak takraw team the best of luck. We’re confident that they are capable of replicating the achievement,” ayon sa pinuno ng Go For Gold na si Jeremy Go sa send off ceremony na ginanap sa Vikings restaurant sa Mall of Asia.

Pangungunahan ng mga beteranong manlalaro ng sepak takrw ang koponan na gaya nina Rheyjey Ortouste, Ronsited Gabayeron, Emmanuel Escote kasama sina Joshua Gleen Bullo, Alvin Pangan, John Carlo Lee at John John Bobier.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kasama rin na lumarga ng nasabing koponan buhat sa suporta ng Go For Gold at ng Philippine Sports Commission sina John Jeffrey Morcillos, Joeart Jumawan, Nestleer Bandivas, Christian George Encabo at Regie Reznan Pabriga.

“We know that they will make our country proud like they have done before,” ayon pa Go, Vice President ng Powerball Marketing and Logistics Corporation.

Para naman sa women’s team, sasabak sina Mary Melody Taming, Abegail Sinogbuhan, Gelyn Evora, Josefina Maat, Jean Marie Sucalit, Jea Mae Pepito, Jocielle Fernandez, Aisa Sabellita, Allyssa Bandoy at Lhaina Lheil Mangubat.

Ang nasabing koponan ay mamanduhan nina coach Rodolfo Eco, Hector Memarion, Metodio Suico Jr. at Junmar Aleta para sa men’s team habang sina coach Romulo Ruedas Jr., Esperidion Rodriguez, Gena Mark Saavedra at Deseree Autor ang sa women’s team.

-Annie Abad