ILANG taon ding hindi nagkaroon ng pagkakataong magpangita ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos at ang Optimum Star na si Claudine Barretto, pagkatapos nilang magsama sa isang proyekto sa Star Cinema many years ago.

Claudine at Cong. Vilma

Matatandaang gumanap na mag-ina sina Claudine at Ate Vi sa box-office hit na pelikulang Anak, taong 2000.

Masayang ibinalita ni Claudine na nagkaroon sila ng mini reunion ng kongresista ng Batangas kamakailan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Base sa mga larawang ipinost ni Claudine sa Instagram, nagkasama sila ni Ate Vi sa Lipa, Batangas, kung saan nakatira at naninilbihan bilang House representative ang Star For All Seasons.

Sa isang larawan ay ginaya pa nina Vilma at Claudine ang pose nila sa movie poster ng Anak.

Caption ni Claudine sa kanyang post: “Learned so much from this woman who is full of wisdom. Thank you so much, Ate.” Kita sa larawan ang saya sa kanilang muling pagkikita at pagka-miss nila sa isa’t isa. Base rin sa mga Instagram post ni Claudine, dalawang araw siyang nakipag-bonding kay Ate Vi.

Ang pelikulang Anak ang nagbigay kay Vilma ng Best Actress Award mula sa Star Awards for Movies noong 2001, gayundin sa Gawad Sineng-Sine PASADO Awards (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro).

-ADOR V. SALUTA