Sumuko sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group sa Sulu, kahapon.

Sa report ng Western Mindanao Command (WesMinCom), ang dalawang bandidong sina Albi Amirol Alih, alyas “Albi”; at Obin Umod Mano, alyas “Saip”, parehong tauhan ni ASG sub-leader Idang Susukan, ay sumuko kay 21st Infantry Battalion (IB) Commanding Officer, Lt. Col. Jesus Pagala, ng Philippine Army (PA), dakong 9:00 ng umaga.

Isinuko rin ng mga ito ang kani-kanilang armas.

Nasa kustodiya muna ng militar ang dalawang bandido habang hindi pa natatapos ang dokumentasyon sa mga ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Fer Taboy