TEHRAN (AFP) – Sumumpa si Iranian President Hassan Rouhani na dudurugin ang responsable sa pamamaril sa madlang nagtipon sa isang military parade malapit sa Iraqi border nitong Sabado, na ikinamatay ng 29 na katao at ikinasugat ng 57 iba pa. Inako ng grupong Islamic State (IS) ang bibihirang pag-atake sa timog kanlurang lungsod ng Ahvaz, habang sinisi ng Iranian officials ang isang ‘’foreign regime’’ na suportado ng United States.

Sinabi ng isang lokal na mamamahayag na nakasaksi sa pag-atake na tumagal ng 10 hanggang 15 minuto ang pamamaril at isang suspek na armado ng Kalashnikov assault rifle ang nakasuot ng uniporme ng Revolutionary Guards ng Iran.

‘’We realised it was a terrorist attack as bodyguards (of officials) started shooting,’’ ani Behrad Ghasemi sa AFP.

Matapos magtalumpati sa parada sa Tehran bilang paggunita sa simula ng 1980-1988 war sa Iraq, nagbabala si Rouhani na ‘’the response of the Islamic Republic of Iran to the smallest threat will be crushing’’.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Apat sa mga umatake ang napatay ng mga awtoridad.