Hinihimok ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Cooperative Development Authority (CDA) na magpatupad ng “regulatory relief” sa mga bangko at kooperatiba na naapektuhan ng Bagyong ‘Ompong’.

Ayon kay kay House Committee on Banks and Financial Intermediaries chairman at 2nd Dist. Leyte Rep. Henry Ong, sa ilalim ng “regulatory relief” sususpindihin ang pagpapataw at pangongolekta ng interes at iba pang surcharges sa mga utang ng mga sinalanta ng kalamidad.

Iginiit niya na hindi talaga makakabayad ang mga biktima ng bagyo dahil sa laki ng pinsalang iniwan ng kalamidad sa mga tirahan, pananim, at iba pang kabuhayan.

-Beth Camia
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador