Muling sinimulan ng transport network vehicle service (TNVS) na Grab ang pagpapatupad ng P2 per minute travel time fare component, na una nang sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay makaraang katigan ng LTFRB ang apela ng Grab.

Inihayag ni Grab Philippines Public Affairs chief Leo Gonzales na nagpapasalamat sila sa LTFRB dahil sa pagbabalik sa nasabing dagdag-pasahe, na inaasahang muling magpapasigla sa TNVS operations sa Metro Manila.

Paliwanag ni Gonzales, maraming Grab partner driver ang hindi pumasada nang sinuspinde ang P2 per minute travel time fare, dahil lugi ang mga driver dahil na rin sa traffic, mataas na presyo ng langis, car maintenance, at amortization.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nagresulta rin, aniya, ito ng pahirapang pagbu-book sa Grab, at kakulangan ng mga driver.

Kasunod nito, nangako ang Grab na ibababa ang surge price sa 1.6x kumpara sa 2.0x, at sa ngalan ng transparency ay magkakaroon na ng breakdown sa resibo sa pasahe ng Grab sa mga susunod na araw.

-Beth Camia