PLANO ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) na ilarga ang 20 events sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa susunod na taon.

Ayon kay ABAP Executive Director Ed Picson, kasama ring mabibigyan ng sapat na exposure bukod sa men at women’s elite, ang juniors at youth team.

“Kung sa Malaysia tinapyasan nila ng husto, tayo dagdagan natin. Legitimate naman yan,” sambit ni Picson sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Tapa King Restaurant sa Cubao.

“Yan ang target natin mas madaming events” sambit ni Picson.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“We want them to be counted as regular events.”

Ang juniors ay para sa 15-16-years-old, habang ang youth ay 17-18-years-old.

Target ng ABAP ang tig-anim na events sa men and women’s elite, gayundn sa juniors at youth categories.

Kumpiyansa si Picson na mapapayagan ito ng SEA Games Federation Council (SEAGFC) na nakatakdang magpulong sa Nobyembre.

“Hopefully it will be approved, but normally naman, that’s a courtesy to the host (country),” ayon kay Picson.

Sa nakalipas na SEA Games sa Kuala Lumpur, nilimitahan ng host country ang event sa boxing competition sa anim sa men’s elite, kung saan nagwagi sina Eumir Felix Marcial at Fil-British John Marvin.

Kinapos naman ang boxing team sa Asian Games sa Jakarta kung saan nag-silvre lamang si Rogen Ladon at bronze medalist sina Carlo Paalam at Marcial.