NEW YORK (AFP) – Pinag-aaralan ng Coca- Cola ang paggamit sa key ingredient ng marijuana sa ‘’wellness beverages,’’ sa pagdami ng mga kumpanyang nagdedebelop ng cannabis-infused drinks.

‘’We have no interest in marijuana or cannabis,’’ ipinahayag ng Coca-Cola nitong Lunes. Ngunit ang iconic soft drink producer ay ‘’closely watching the growth of non-psychoactive CBD (cannabidiol) as an ingredient in functional wellness beverages around the world.’’

Ang cannabidiol ay isang kemikal sa marijuana na walang intoxicating effects ng THC, ang major active ingredient na nagbibigay ng ‘’high.’’ Ginagamit din ito sa pagbibigay lunas sa epilepsy at iba pang karamdaman.

‘’The space is evolving quickly,’’ anang Coca-Cola. ‘’No decisions have been made at this time.’’
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'