Sinusubukan na ang “paid premium subscription” sa isang sikat na social media platform na makakatulong sa users upang mas mabantayan ang mga nakakakita ng kanilang posts online.
Ayon sa mga ulat, ang subscription na ito ng Meta sa Instagram ay tatawaging “Instagram Plus,” kung saan, kasalukuyan itong tinetesting sa ilang piling bansa upang sukatin ang user value at interes ng subscribers nito.
Ang premium features nito ay ang mga sumusunod:
- Maaari nang makapag-view ng “Story” nang hindi nalalaman ng nag-post.
- Makikita na ng subscribers kung ilan ang nag-rewatch ng kanilang stories.
- Karagdagang 24 oras na extension ng stories.
- Isang beses sa isang linggo na pag-highlight ng isang story.
- Animated “super hearts” sa ibang stories.
- Search bar interface sa sariling story viewer list.
Ayon sa ilan pang ulat ng international media, ang nasabing testing ay kinabibilangan ng mga bansang Mexico, Japan, at Pilipinas.
Ibinahagi rin ng Meta na nagsimula na ang testing noon pang Pebrero upang mabigyan ng mas pinahusay na user experience ang piling publiko habang pinananatiling libre ang kanilang “core experience” para sa lahat.
Saad pa ng Meta, habang patuloy pa nilang isasagawa ang testing ng Instagram Plus bago ito tuluyang buksan sa publiko.