BAGUIO CITY – Tinanghal na unang gold medalist sa 2018 Batang Pinoy National Finals si Mary Grace Joson ng Camarines Sur nang pagwagihan ang girls discus throw kahapon sa pagsisimula nang grassroots sports program ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Baguio City Athletic Bowl.

TINANGHAL na first gold medalist ng 2018 Batang Pinoy National Finals si Mary Grace Joson ng Camarines Sur nang pagwagihan ang girls discus throw event. (Annie Abad)

TINANGHAL na first gold medalist ng 2018 Batang Pinoy National Finals si Mary Grace Joson ng Camarines Sur nang pagwagihan ang girls discus throw event. (Annie Abad)

Hindi na nagsagawa ng opening ceremony bilang pagbibigay respeto sa mga naapektuhan ng bagyong Ompong na nanalasa sa lungsod, gayundin sa mga karatig lalawigan nitong weekend.

Tangan ang misyon na matagpuan ang ama na matagal nang nawalay sa kanilang pamilya, tapik sa balikat ang panalo ni Jopson sa kanyang layunin na nabigyan ng exposure sa torneo na para sa kabatang na may edad 16-anyos pababa.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“First time ko po ito sa Batang Pinoy. Palagi po sa Palarong Pambansa po talaga ako sumasali. Natutuwa po ako kasi naka gold po ako. Para po ito sa tatay ko na si Danilo Joson. Hindi ko papo siya nakikita buhat noon. Sana po maging proud siya sa akin,” pahayag ni Joson, nais maging isang Bumbero balang araw.

Naihagis ni Joson ang platong bakal sa layong 26.87 metro para gapiin sina Janine Ledina ng Zambales (26.64m) at Althea Guadalupe ng General Santos City (26.54m).

Target ni Joson na makamit ang ‘Triple gold’ sa kanyang pagsabak sa javelin throw at shot put sa susunod na araw.

Sa swimming, dalawang magkasunod na ginto agad ang naitala ni Roz Ciaralene Encarnacion ng Laguna Province nang kanyang pagharian ang event na 200 LC Meter IM girls 12-under at 50 LC Meter backstroke girls 12-under.

Nais ng 13-anyos Grade 8 student ng Alaminos Elementary School na maging parte ng National team upang maipagpatuloy ang kanyang paglangoy kung saan naitala niyang una ang 2:40.97 sa 200m IM event habang 37.33 segundo naman sa 50Mbackstroke.

“Pangarap ko po talaga na makasali sa national team kaya pinaghuhusayan ko po,” ayon kay Encarnacion.

Dobleng ginto rin ang nasungkit ni Markus Johannse De Kam ng Lucena City kung saan una siyang nagtala ng 59.11 sa 100LCMeters freestyle boys 12-under, na sinundan ng 50M backstroke sa tyempong 32.27 segundo.

Dalawang ginto rin ang siniguro ni Althea Michel Baluyot ng Quezon City buhat sa 100 LC Meters freestyle girls13-15 kung saan tumapos siya ng 1:01.16 sa finals time at sa 100 LC Meter Butterfly kung saan naitala niya ang 1:06.98 sa orasan.

Bukod sa mga nabanggit na atleta, dalawang ginto rin ang iniuwi ni Mervien Jules Mirandilla ng Lucena City buhat sa 100M Butterfly boys 13-15 sa kanyang 59.92 sa orasan at sa 100M freestyle kung saan naitala niya 58.38 sa orasan.

Sa ibang pang events, nagpakitang gilas din ang pambato ng Pranaque City na si Mikaela Jasmine Mojdeh matapos na kunin ang ginto sa 100 M Butterfly girls12-under sa kanyang impresibong 1:05.92 sa orasan, habnag si Leano Vince Dalman ng Dipolog City naman ay naghari din sa kanyang event na 200M IM boys 12-under sa naitala nitong 2:42.20.

-Annie Abad