TOKYO (AFP) – Nagsagawa ang Japan ng unang submarine drill nito sa South China Sea, sinabi ng isang pahayagan kahapon, sa hakbang na maaaring ikagagalit ng Beijing na inaangkin ang halos kabuuan ng pinagtatalunang karagatan.

Sumama ang submarine na Kuroshio nitong Huwebes sa tatlong Japanese warships sa karagatan sa timog silangan ng Scarborough Shoal na kontrolado ng China, sinabi ng Asahi Shimbun.

Inaangkin ng China ang mayamang South China Sea, na dinaranan ng $5 trilyong kalakal ng mundo taun-taon, sa kabila ng pag-aangkin din dito ng Brunei, Malaysia, Pilipinas, Taiwan at Vietnam.

Mainit ang tensiyon sa Scarborough Shoal simula nang ito ay agawin ng China mula sa Pilipinas noong 2012.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi ng pahayagan na ito ang unang submarine exercises ng Tokyo sa South China Sea.