Tunay ngang ‘Pizza is Life,’ kaya naman ikinagulat ng isang kumpanya ng pizza nang dagsain ng daan-daang ‘die-hard pizza fans’ ang kanilang promo.

pizza

Upang malaman “how much people love their pies” naisip ng isang kumpanya ng pizza ang isang promosyon na nagbibigay ng challenge sa mga ‘pizza lovers’ na magpa-tatoo ng logo ng kumpanya ng pizza sa makikitang bahagi ng katawan, kapalit ng tiyansang makakuha ng 100 libreng pizza kada taon sa loob ng 100 taon.

Ngunit hindi inasahan ng kumpanya na maraming tao ang tatanggap ng pagsubok nang dagsain ng daan-daang larawan ng bagong tattoo ng logo ang social media, ilang araw matapos ilunsad ang promo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Upang mapigil ang dagsa ng mga larawan at request para sa libreng pizza, kalaunan ay inanunsyo ng kumpanya na tanging naunang 350 katao ang tatanggapin ng pizza company na dapat ay may sukat na 2 cm (0.79 inches).

Bagamat makalipas ng limang araw ay isinara na ang challenge, iniulat ng isang pahayagan na patuloy pa rin ang pagbabagi ng mga tao ng kanilang pizza logo tattoo.

OC