MULING pinatunayan ni Superstar Nora Aunor ang husay niya sa pag-arte sa confrontation scene nila ng isa pang mahusay na actress na si Ms. Cherie Gil sa episode ng Onanay nitong Lunes ng gabi, na naging madugo dahil nasaksak ni Nelia (Nora) si Helena (Cherie) sa eksena.

Nora

“Hindi ko na kasi matiis ang mga pangliliit ni Helena sa anak kong si Onay, kaya nagdilim na ang paningin ko,” dialogue ni Nelia sa eksena. “Kapag mahal ng isang ina ang kanyang anak, hindi siya makatitiis na hindi siya gumawa ng paraan para maipagtanggol ang anak. Nanghihinayang nga ako na hindi ko siya napatay.”

Sunud-sunod na kasi ang pangmamaliit ni Helena kay Onay at ang pinakamatindi na ikinagalit ni Nelia, ay nang sabihing patay na pala ang panganay na anak ni Onay na si Rosemarie, hindi man lamang ito ipinaalam ni Helena kay Onay, kaya hindi nito nakita ang anak hanggang sa mamatay ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinagtapat ni Nelia ang nangyari at pinangaralan niya si Onay na ngayong wala na siya sa tabi ang anak, ay kailangan niyang magpakatatag at huwag hayaang apihin ng iba.

Magiging mas madrama pa ang mga sususnod na eksena dahil tumanggi si Nelia sa nagawa niyang krimen at makukulong ito. Ano kaya ang gagawin ni Onay para matulungan ang ina sa nangyari rito? Si Maila (Mikee Quintos), ang bunso ni Onay, anong tulong kaya ang gagawin niya para sa kanyang lola na naging parang ina na rin niya?

Mas marami pang makabagbag-pusong eksena ang aabangan sa Onanay na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Victor Magtanggol.

-Nora V. Calderon