MANDAUE CITY – Naghari ang mga batang boksingero ng Cagayan de Oro City matapos na humakot ng pitong gintong medalya sa matagumpay na pagtatanghal ng Philippine Sports Commission (PSC) - Pacquiao Amateur Boxing Cup National Finals nitong weekend sa Mandaue Sports Complex dito.

Kumana rin ng dalawang silver ang CdO para makumpleto ang impresibong kampanya ng nine-boxer team ng lalawigan.

Nagwagi si Elaide Pamisa sa girls light flyweight 45-48kg sa pamamagitan Referee Stop Contest (RSC) may 1:14 sa second round, laban kay Alyzza Gleze Balaba ng Aglayan City Mindanao.

Si Pamisa ay pamangkin ng National team member at head coach ng CDO na si Elmer Pamisa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sinundan naman ito ng isa pang ginto buhat Kay Mark Lester Durens matapos na biguin ang pambato ng Omega team Cebu na si Jim Paul Dignos sa 4-1 bentahe sa Jr boys light flyweight 48kg.

Nagbigay din ng ginto para sa CDO sina John Erl Palvino sa Jr boys pin weight 50kg category, Ailene Kaye Caranagan sa Jr girls flyweight 50kg, Alenne Althea Pores sa Jr. girls Bantamweight 52kg.

Nagambag din ng ginto si John Ignatius Macas buhat sa youth boys flyweight 52kg at si John Paul Panauyan sa youth boys lightweight 60kg.

Nabigo naman ang mga pambato nila na sina Dave Bryan Caspe buhat sa Jr boys bantamweight 54kg at si Kim Bryan Cabrillos Jr boys light bantamweight 52kg para sa CDO.

Sa ibang resulta, nagwagi rin si Joven Paala matapos nitong pataobin si Kim Catedrilla ng SBC Cebu, 5-0.

Samantala, bigo naman ang bunsong kapatid ni 2010 Asian Games gold medalist Rey Saludar na si Jake Sone Saludar ng Polomoloc South Cotabato via walk over.

Hindi nakasampa ng ring ang batang Saludar gayung wala umano siyang sapat na tulog matapos bantayan sa ospital ang kanyang teammate na si April Boy Lampitao.

Kaya naman ang gintong kanyang inaasam ay napunta sa pambato ng Cebu na si John Paul Gabunelas.

Nag-uwi ng 6,000 piso ang mga nagkamit ng ginto sa nasabing kompetisyon habang 4,000 ang silver at 2,000 ang sa bronze medalists.

Samantala, hinangaan ni PSC commissioner Ramon Fernandez ang programa ng Cagayan de Oro sa boxing.

Ayon Kay Fernandez, maganda umano ang programa ni CDO Mayor Oscar Moreno pagdating sa paghubog ng mga batang boksingero.

“May tamang program kasi si Mayor Oscar Moreno sa CDO for boxing, pahayag ni Fernandez sa isang panayam saclosing ng nasabing event.

-Annie Abad