Abangan sa susunod na 20 araw kung magkakaroon na ng bagong tagapagsalita si Pangulong Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay ng napipintong filing of candidacies, na itinakda sa Oktubre 1-5, para sa 2019 elections.

Isa si Roque sa mga iniulat na tatakbong senador sa susunod na taon.

Ayon kay Rroque, dapat abangan ng taumbayan kung tuloy o hindi ang paghahain niya ng certificate of candidacy (CoC).

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Kasabay nito, sinabi ni Roque na asahan nang magkakaroon ng mga bakanteng puwesto sa Gabinete ng Pangulo.

“Well lahat po ng magsusumite ng kandidatura will be deemed resigned from their post, so, magkakaroon po ng vacancies in the Cabinet,” ani Roque.

“Wala pa po akong nalalaman na siguradong maghahain ng kandidatura at wala pa po akong nalalaman na naiisip na ipalit sa mga ito,” dagdag pa ni Roque.

-Beth Camia