Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Bagyong Florence na lumalakas pa habang papalapit sa timog-silangang bahagi ng Amerika.
Pinaalalahanan ng DFA ang mga Pilipino doon na magsagawa ng kaukulang paghahanda at sumunod sa abiso ng mga lokal na awtoridad.
Ipinabatid ni Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez kay Foreign Secretary Alan Peter S. Cayetano, na nakapag-isyu na sila ng advisory para sa 150,000 Pilipino sa Virginia, North Carolina, at South Carolina, na maaapektuhan ng bagyo.
Nagdeklara ng stae of emergency ang mga gobernador ng tatlong estado bilang paghahanda sa pagtama ng kalamidad.
-Bella Gamotea