SINGAPORE – Nagkampeon si Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr.sa katatapos na Singapore Open Blitz Chess Championships na tinampukang Pub Chess Week 36 na ginanap sa The Black Sheep sa Jalan Besar dito sa Singapore nitong Sabado.

Ang 41-years-old Quezon City resident na si Bernardino na suportado nina World Billiards Champion Marlon "Marvelous" Manalo, chairman ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City, ay nakakolekta ng eight points mula seven wins at two draws para makopo ang titulo ng single-round robin tournament sa one day event na inorganisa ng Pubxchess sa gabay ni Carleton Lim.

Ang 2005 Virginia, USA Rapid Open champion Bernardino ay isa sa top players ng multi-titled State Colleges and Universities Athletic Association-National Capital Region (SCUAA-NCR) champion Barangay Malamig Rizal Technological University Chess Team.

Naitala ni Bernardino ang importanteng panalo kontra kina Klaus Yssing ng Denmark sa first round, Jayson Jacobo Tiburcio ng Pilipinas sa second round, Liu Dao Wei ng Singapore sa third round, Jonathan Yu ng USA sa fourth round, Ronnie Tamares ng Pilipinas sa sixth round, Carleton Lim ng Singapore sa seventh round at Georgios Tsichlis ng Greece sa eight round.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nauwi sa tabla ang laban niya kontra kina Ethan Poh ng Singapore sa fifth round at sa kababayan na si Arena Grandmaster at Fide Master elect Robert Suelo Jr. sa ninth at final round.

Tumapos si Poh ng second overall na may nakamadang 7.5 points mula seven wins, one draw at one loses habang ang Filipino bet na si Suelo na mas may mababang tiebreak points ay nalagay sa third place na may kaparehas na 7.5 points mula seven wins, one draw at one loses.

Ang iba pang Filipino entries ay sina Tiburcio na nasa 7th place na may 4 points at Tamares sa 8th place na may 3 points.