CHICAGO (AFP)— Sinabi ng isang grupo ng mananaliksik sa Northwestern University nitong Lunes na nakadisenyo sila ng blood test na kayang sukatin ang inner body clock ng tao sa loob ng 1.5 oras, isang advance na makatutulong sa pag-personalize ng medical treatments sa hinaharap.

Inilathala ang pag-aaral sa Proceedings of the National Academy of Sciences (PNAS), isang peer-reviewed US journal. Ang “circadian rhythm” ang namamahala sa lahat ng cells sa katawan.

Ang biological clock na ito ang nagre-regulate sa “all sorts of biological processes, when you feel sleepy, when you feel hungry, when your immune system is active, when your blood pressure is high, when your body temp changes,” sinabi ng lead author na si Rosemary Braun, assistant professor ng biostatistics sa Northwestern University.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'