KHAN SHAYKHUN (AFP) – Pinalayas ng karahasan sa hilagang kanluran ng Syria ang mahigit 30,000 katao ngayong buwan, sinabi ng United Nations nitong Lunes, nagbabala na ang napipintong pag-atake ay maaaring lumikha ng ‘’worst humanitarian catastrophe’’.

Nakatuon ngayon si President Bashar al-Assad sa Idlib province na hawak ng m ga rebelde, at pinaigting ng kanyang mga puwersa ang pambobomba sa mataong lalawigan simula ngayong buwan.

Nagbunsod ito ng paglikas ng tinatayang 30,452 katao sa Idlib at ng katabing Hama province mula Setyembre 1 hanggang 9, sinabi ng UN humanitarian coordination agency (OCHA) nitong Lunes.

Sinabi ng UN na aabot sa 800,000 katao ang maaaring mapalayas sa pag-atake ng rehimen sa Idlib at mga katabing lugar.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina