BILANG pagkilala sa natatanging galing bago pa man inagaw ang atensyon ng isang karamdaman, ipinagkaloob ng NCAA Press Corps kay Jerrick Balanza ang Player of the Week award, sa pakikipagtulungan ng Letran.

“Si Jerrick, hindi naman nawala sa team namin yan e. He’s still part of the team,” sambit ni Letran head coach Jeff Napa.

“Kailangan intindihin namin ang health niya, pero yung presence niya sa dugout, sa ensayo, nandun pa rin yun,” aniya.

Nitong Biyernes, matagumpay ang isinagawang operasyon kay Balanza para maalis ang tumor sa kanyang utak. Isinasailalim na sa pagsusuri ang naturang tumor upang malaman kung benign o malignant.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kasalukuyan nang nagpapagaling si Balanza.

“We wish and pray for nothing but the best for Balanza,” pahayag ni head coach Boyet Fernandez ng San Beda. “It’s unfortunate and we wish for his fast recovery.”

Nangangailangan pa rin ng tulong pinansiyal ang pamilya ni Balanza para sa patuloy na gamutan. Sa mga nagnanais na maglaan ng kanilang tulong, maaring ipadala ang donasyon sa BDO Branch: BDO Intramuros Account Name: Colegio de San Juan de Letran, Inc. Account Number: 4500003129