May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Naglalakad na teacher, patay sa bangga ng rider na galing beerhouse!

Naglalakad na teacher, patay sa bangga ng rider na galing beerhouse!

Patay ang isang gurong naglalakad lang sana para mag-exercise matapos siyang mabundol ng humaharurot na motorsiklo sa Ilocos Norte.

Nahagip ng CCTV sa nasabing lugar ang pagdating ng motorsiklo at ang pagbangga niya sa biktima. Sa lakas ng salpok, bahagyang tumilapon pa ang guro sa kalsada.

Mabilis namang sumaklolo ang mga nakasaksi sa insidente at nakahingi ng tulong para madala siya sa ospital.

Batay pa sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, naratay pa ng ilang araw ang biktima sa ospital, bago siya tuluyang pumanaw noong Linggo, Abril 12, 2026.

Samantala, lumalabas sa imbestigasyon na nanggaling umano ng beerhouse ang naturang driver ng motorsiklo at nagmaneho siya ng ilalim ng impluwensya ng alak.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek  na nahaharap sa kaukulang kaso.