WINALIS ng reigning UAAP men’s champion National University ang Far Eastern University, 25-18, 33-31, 25-14,upang pormal na kumpletuhin ang finals cast ng men’s division ng Premier Volleyball League (PVL) 2 Collegiate Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Muling sumandig ang Bulldogs sa kanilang ace outside hitter na si Bryan Bagunas na tumapos na may 23 puntos at 10 excellent receptions.

Sinuportahan naman siya nina middle blockers Kim Malabunga at Francis Saura na nag-ambag ng 12 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.

Nagpamalas ng mas matinding opensa ang Bulldogs na sinabayan pa nila ng maigting ding net at floor defense kontra Tamaraws na tanging sa blocking lamang nakadikit sa itinala nilang 10 kontra 13 ng Bulldogs.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Akma pang tatabla sa second set ang Tamaraws, ngunit naunsiyami ang kanilang balak matapos ang service error ni Raymond Bautista hanggang sa selyuhan ni Bagunas ang panalo para 2-0 sets na bentahe.

Mula doon, di na nakaporma pa ulit ang Tamaraws at tuluyan na silang winalis ng Bulldog

Nag-iisa namang tumapos na may double digit si skipper RJ Paler para sa Tamaraws sa itinala nitong 15 puntos.

Magsisimula ang kanilang Finals series ng nauna ng finalist University of Santo Tomas sa Linggo-Setyembre 9 ganap na 11:00 ng umaga pagkatapos ng battle for third sa pagitan ng FEU at Adamson University ganap na 9:00 ng umaga.

-Marivic Awitan