Humiling si dating Department of Budget and Management (DBM) chief at kasalukuyang Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. sa Sandiganbayan Third Division na muling ikonsidera ang desisyon nitong ibasura ang omnibus motion for bill of particulars at ipagpaliban ang arraignment.

Sinampahan si Andaya ng 97 paglabag sa Section 3(e) ng R.A. 3019 o ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at 97 paglabag sa Article 217 kaugnay sa Article 171(2) at 48 ng Revised Penal Code dahil sa pagkakasangkot sa P900 milyon Malampaya fund scam mula 2009 hanggang 2010.

Nagsumamo si Andaya sa kanyang mosyon na atasan ang prosekusyon na isumite ang lahat ng bill of particulars para sa bawat Information laban sa kanya dahil ang mga akusasyon ay “ambiguous, vague and fail to provide the necessary details required by law, procedure and jurisprudence.”

Gayunman, tinanggihan ang kahilingan ni Andaya dahil napatunayan ng Sandiganbayan na ang prosekusyon “[has] sufficiently apprise the accused of the cause and nature of the accusations against them.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakasaad sa motion for reconsideration ni Andaya na kailangan ng anti-graft court na muling tingnan ang kanyang omnibus motion dahil trinato ito bilang motion to quash.

-Czarina Nicole O. Ong